Thursday

Hindi Raw Nakapagreview ng Lessons


"Hindi pa talaga ako nakaopen ng notes ko. Exam na mamaya."



"Chapter one lang nabasa ko sa Science."



"Tabi tayo ha? 'Di kasi ako nakapagreview."



"Baka mabagsak ako nito. Hindi ako nagstudy."



Mga linya ng mga estudyante kapag exam. Kapag may nagtatanong, isa sa mga iyan ang sagot nila. Tapos, ang ending, sila pa mas mataas ang score dun sa nagtanong? At minsan, mas masaklap, sila pa ang highest? Anong himala ang nagawa ng mga sad faces nila habang sinasabi na 'di pa raw sila nakapag-aral ng lecture nila? Anong mahika ang dala ng mga linya nilang kapani-paniwala talaga?

Iilan na rin ang mga kaklase kong napagtanungan ko during exam. Kung namemorize ba nila ang ilan libong terms sa lectures namin. Kung napag-aralan ba nila 'yung mga tampok na ideas and thoughts na nakalagay sa aming mga f*ck sh*ts, I mean fact sheets na sabi ng prof namin ay lalabas sa pagsusulit. Gawain ko talagang magtanong kung nagreview sila o hindi. Minsan kasi, naghahanap ako ng karamay kapag hindi ako nakapagreview. :D "Yung feeling na, panatag ka kapag ang sagot nila ay hindi rin sila nakapag-aral dahil may kakampi ka sa susuungin niyong laban, ang araw ng examination.

At ang ending, nalaman ko na lang ang result ng aming exam. Antataas ng scores nila! Wapak! To the highest level. At take note, sila yung mga nagsabing hindi raw sila nakapagreview, or nakaopen ng notes nila, or makascan man lang sa mga libro nila. It hurts, y'know. Char! Pwede naman siguro nilang sabihin ang totoo. At oo o hindi lang naman siguro ang sagot ng tanong ko. Mahirap bang bigkasin ang mga salitang iyon? Charing.

Ang gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako. By Itchyworms. Haha. Jk lang. Balik tayo sa topic. :D Ang gusto ko lang naman ay 'yung hindi ako pagsinungalingan. (Sinungaling din naman ako, pero, konti lang) 'Yung tipong tinatago pa ang katotohanang nagreview sila. Hindi naman ako masasaktan eh. Or iiyak. Or magalit. Or whatever. Just tell me the truth, and it will be fine. Naks! Okay lang naman kung nagreview kayo. Ano pang magagawa ko di'ba? Batukan ka? Barilin? Taponan ng bomba? Sagasaan ng ten wheeler kapag nalaman kong nakapag-aral ka? Ay naku. Hnidi big deal sa akin ang usaping yan. :)

Minsan, may mga tao talagang kung anong namutawi sa kanilang bibig, (Chos) ay hindi angkop sa mga pinaggagawa nila. At vice versa. Ang pangit 'nun. Dapat consistent. Anong sinabi mo, gawin mo. Hindi yung anong sinabi mo, aba'y napakalayo sa ginawa mo. May pasekreto-sekreto pang nalalaman. Oh siya sige, sa'yo na katotohanang ayaw mong sabihin. Dun na lang ako sa iba magtatanong. Malay mo,  makahanap ako ng kakampi. 'Yung hindi rin nagreview tulad ko. ^_^

2 comments:

  1. Mga estudyanteng silent killers. Ang mas masaklap pa dyan, pag tinanaong mo kung paano sila nakaperfect eh sinabi nilang di sila nag-review, ang isasagot, tsamba o hula. Sarap sagwanin eh. Loljk.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang sarap nga ring martilyuhin ee. Haha :D Jk lang.
      Move on na nga lang ako sa kanila. Mga echosero/a.

      Delete