Sunday

The First Time

Translated Conversation from Cebuano to Tagalog in FB:

Me: ___, pakibasa ng blog na 'yon hehe.
___: San doon rain? (Ako si rain HAHA)
Me: ____.blogspot.com 'Yan ___. Sabihan mo ako ng feedback mo ___ ha?
___: Ok2x rain. Babasahin ko ngayon.
Me: Sige ___ :D

Of all unforgettable moments in life, the 'firsts' are always remembered.


First time kong binigay ang link ng blog ko. Alam nyo naman, medyo mahiyain ako at ayaw kong isiwalat sa iba ang mga gawa ko. (As if naman ang dami rin ng mga gawa ko) Feel ko kase, walang sense at hindi magugustuhan ng makakabasa. At kung magustuhan naman, minsan lang. Parang once in a blue moon nga lang. :D

So far, maganda ang feedback ng first known reader ko. Iba ang feeling. Cloud 9. Sa tulad kong frustrated writer at trying hard na may maisulat, masarap sa feeling ang masabihan ng maganda raw ang gawa ko. Minsan lang kasing may makaaapreciate ng ginagawa ko. Nabibilang lang sa daliri ko ang mga sinulat kong appreciated. Pero masaya na ako. Lagi kong iniisip na okay na iyon. Hindi ko naman din kailangan ang maraming fans para sa gawa ko. Kontento na akong kaonti man sila, sincere naman sila. ^_^

A friend is someone who'll know what to say to make you smile.


Si ___, kaklase ko (https://www.facebook.com/cj.altar <-- baka may gustong makipagkaibigan, friendly siya, I swear!). Siya lang naman ang tinutukoy kong first reader ng aking blog. Hindi ko alam pero magaan ang loob ko at confident akong ipabasa sa kanya tong blog na'to. Siguro, alam kong mabait sya at sasabihing maganda ang sinulat ko (kahit hindi naman) HAHAHA. Pero joke lang. Sasabihin nya rin siguro kung my negative comments sya, pero wala siguro syang nakita sa blog ko. WEHEHE :P Actually, I couldn't say my main reason. Baka bet ko lang talaga na sa kanya ipabasa. Worth it naman eh, gustong-gusto ko ang comment niya. :))

Minsan, piling-pili lang talaga 'yong mga taong gusto mong makausap. 'yong gusto mong marinig ang mga comments and reactions  nila sa isang bagay. Dala na rin siguro ng tiwala at gaan ng loob mo  sa kanila, ay nagagawa mong piliin sila.  Kaya siguro napili ko 'yong kaklase ko, kasi I did trust her. :)

Salamat my friend! Para sa'yo ang post na'to. NAKS!
Someone you could pour your thoughts with.
(photo by tumblr.com)

Saturday

Life changes..

Life changes from:

Classroom to office. 
Books to files.
Jeans to formals.
Pocket money to salary.
Girlfriend to wife.
Boyfriend to husband.

But...

Friends never change. They are always friends.
^_^





Being YOU with THEM.

Panaginip.

Nahiya naman ako sa panaginip ko.
Of all people, siya pa?


Itago na lang natin sya sa pangalang Berto. Magkaklase kami noong high school. At nagkaroon kami ng isang hindi maipaliwanag na spark. Masarap sa feeling pero bawal. May nagmamay-ari na kasi sa kanya noon.

MU daw 'yon sabi ng mga kaklase ko. 'Yung tipong kayo pero hindi naman. May feelings sa isa't isa pero 'di  naman committed to each other. Kung magkasama sa lakaran daig pa ang couples sa tawanan at biruan. 

Noon, balewala lang sa akin ang closeness namin sa isa't isa. Ang alam ko lang masaya ako 'pag kapiling siya. At deep inside my heart, I know he had feelings for me. And I'm staring to have also feelings for him, too. Pero hindi ko 'yon pinansin kasi nga may girlfriend sya noon. But I didn't expect they would split up at dun ko naconfirm, I care for him.

When you let the time passes by without doing anything, expect nothing but a blur.


Dumating sa time na alam kong both of us are free to let each other know our true feelings. Naghintay ako. (Maria Clara rin ako, naghihintay ng first move mula sa boy :">) At naghintay. Nang naghintay. Nang naghintay. Pero walang nangyaring aminan. Kung pwede lang kasi ang babae ang unang magtapat, aba'y matagal ko nang ginawa. Kaso, awkward eh. Hahaha

Distance is nothing to somebody who cares.


At dumating sa puntong kailangan naming maghiwalay. (kung makapagdrama as if naman naging kami haha) We promised to communicate with each other regularly. And we had; for the first year na malayo na kami sa isa't isa. But then I don't know what happened. Bigla na lang siyang hindi nagtetext. Ramdam kong unti unti na siyang naglalaho. (Oh ha? May magic na nangyari :D) Madalas na lang siyang magpadala ng mensahe. 'Yung mga messages niya, minsan nanghihingi lang ng quotes. It was like, HELLO? Wala man lang bang 'kamusta ka na?" na peg? Or 'Ano nang balita?' na drama? Hindi ko maintindihan pero doon ko lang naramdaman na masakit.

At iyon nga. I don't have the idea what happened to that spark we had. Did it really fade? Gone with the wind and destined never to come back? Alam ko sa sarili kong umaasa ako na may patutunguhan ang feelings ko sa kanya. Pero nagsisimula na rin akong maniwala na hindi iyon ang nangyayari sa kanya.

To make the story short, aaminin ko, I can't totally move on from him. Pero I know I should as soon as possible. Dapat noon pa pero ewan ko anyare. At 'yon nga. Kinaiinisan ko ang panaginip ko dahil sya ang center of attraction sa panaginip kong iyon. 

Gusto ko siyang makita ulit. Makasama, makipagbiruan, at makipag-usap sa kanya. Itatanong ko lang 'anong nangyari sa ating dalawa'. Well, walang masama sa pagtatanong. :P Pero, alam kong malabo na masasagot ang katanungan ko. On the other side, I'm a bit thankful naman sa pinagsamahan namin. Nagkaroon ako ng isang karanasan sa high school na hindi ko makakaligtaan. Karanasang  alam kong sasagi sa isip ko sa tuwina.

You will never forget your feelings to someone. As much as you say you'd moved on, a small feeling for him/her is still there.


Hindi mo nga siguro talaga malilimutan ang mga taong nagmarka sa puso mo. Mga taong nagkaroon ng impact sa buhay mo. Kahit dapat mo na silang ibaon sa limot, ay hindi mo pa rin kaya. Nangingibabaw pa rin ang mga memories nyong alam mong hindi na mauulit pa. Pero life must go on. Hindi nagtatapos ang isang bagay sa isang masakit na karanasan. Isa itong pinto na magtuturo sa iyo sa lugar kung saan matututo kang humarap sa isang bagong karanasan; masaya man o malungkot ang kahihinatnan. Nasa sa atin kung paiiralin natin ang sakit na dulot ng hindi masayang nangyari sa ating buhay o mas buubuhayin natin ang kasiyahang alam nating andyan lang -- naghihintay sa atin, nag-aabang.

P.S.ang kwentong ito ay pawang kathang-isip lamang. Bow!

 Do not be afraid of discovering something new.
(photo by tumblr.com)

Tiwala.

Hindi rin pala masamang gugulin ang oras mo sa mga bagay na akala mo walang pakinabang.


Akala ko, walang patutunguhan ang paggawa ko ng blog na ito. Sa dinami-dami ba naman kase ng pasikot-sikot ay nakawawala na ng gana. Mga links here and there and everywhere. Nakakalula. Char.

Buti at pasensyosa akong tao. Alam ko kasing magagawa ko. Alam kong kaonti pang determinasyon at matatapos ko rin. At voila! Nagawa ko nga. :)

May mga tao talagang kaonting failure lang, sumusuko na. Mga trabahong akala nila ay hindi na matatapos. Mga problemang pati bone marrow ay kailangan na sa pagreresolba. Mga suliraning para sa kanila ay hindi na talaga kaya pang harapin.

Ngunit mali tayo.
Oo, inaamin ko. May mga pagkakataong sumusuko rin ako. Tao rin ako, may feelings. :D


The result of our actions reflects they way we perceive things.


Nasa pananalig lang yan. Kung ramdam mong kaya mo, makakaya mo. At kung sa palagay mong malalagpasan mo, umasa kang malalagpasan mo talaga.

Hindi ang problema ang may kasalanan kung bakit tayo sumusuko.
Sarili natin mismo ang problema.
Hindi naman siguro masamang maging determinado.
You have the courage within, darling.
(photo by tumblr.com)

Masaya maging bata.

Narealize n'yo na ba ang kasiyahang dulot ng ating kabataan? Habulan sa ilalim ng ulan? Taguan? Patintero? Chinese garter? At kung anu-ano pang mga larong pambata. 'Yung tipong sa labas pa ng bahay niyo matatagpuan ang kaligayahan mo. Sa piling ng mga kalaro mong kaydali lang tawagin dahil mga kapitbahay mo lang. Cartoon Network, Tom and Jerry, Powerpuff Girls, Dragonball Z, at mga shows sa TV na noo'y hilig na hilig nating panoorin. Oo. Nakakamiss ang mga ganong scenarios. Mga panahong minsan lamang dumaan sa ating buhay. Mga pagkakataong kailanman ay alam nating hindi na mauulit.


Masakit isiping minsan lang tayo maging bata...


Noon, pinipilit tayong matulog ng maaga.
Ngayon, kahit pilitin natin ay hindi tayo nakakatulog ng maaga.

Noon, band aid lang, okay na para sa ating sugat.
Ngayon, halos kasinghirap na ng exam ang paghahanap ng gamot sa iilang sugat sa ating katawan.

Noon, titigil na tayo sa pag-iiyak pag binigyan tayo ng candy.
Ngayon, isanlibong sweets man ang ibigay sa atin, ilang araw pa rin bago maubos ang ating luha.

Noon, ang saya ng feeling pag kasama natin ang unang lalaki/babae minahal natin; si tatay/nanay.
Ngayon, nakakilala nga tayo ng pangalawang lalaki/babae na minahal, hindi naman tayo ganun kasaya.

Noon, pagkain lang pinag-aawayan sa magkakaibigan.
Ngayon, mas kumplikado na ang rason.

Ganito nga siguro talaga ang buhay. Nagbabago. Panahon lang ang dumadaan pero di natin namamalayan apektado na pala ang lahat. Maraming 'sana' ang nasasambit natin ngayon. Mga pagkakataong sana ginawa natin noon.


Seasons change. So do people. So does life.


Tama nga sila. May mga bagay na talagang paghihinayangan natin. Mga bagay na pag naiisip natin, minsan ay nagiging rason para may luhang pumatak mula sa mga mata natin. That's life nga talaga siguro.

Sa mga nakakaalala ng kabataan nila, hindi pa huli ang lahat. (Medyo huli na pero may magagawa pa tayo) Kung may naiisip kayong ikasisiya ng buhay nyo, gawin nyo. Awkward mang gawin dahil hindi na akma sa inyong edad, so what? That's life. :)

Freedom is everywhere, so does happiness.


Wag malungkot sa ating mga pagkakamali noon. Ano mang hindi kanais-nais na karanasan ang meron tayo, parte iyon ng nakaraan natin. Nakakatawa man ang mga alaala natin noong bata pa tayo, wala tayong magagawa. Masaya maging bata eh!



 To live free is to be happy.
(photo by tumblr.com)

This is it!

The time has come. To express. To share stories. To live the world of randomness.


Emote masyado ang statements sa taas noh? Pabayaan niyo na. Minsan lang magkaroon ng ganyan sa blog na'to. XDD

Eto na siguro ang panahon para ilipat ko sa blog ang mga karanasan, kasiyahan, kadramahan at kaechusan ng buhay ko. Pwede ring buhay mo o buhay ng iba. (Pero hindi naman sa puntong nangingialam na ng buhay ng may buhay.)

Enjoy!


Soar high. Fly high. Hello. High.
(photo by google.com)