Sunday
One At a Time
I realized that I am not a superhuman. I could not do everything just in a single time. I could not afford to make an output in one single moment. This teaches me to do things singly. To be productive from something before moving to another. A thought in my mind was built that no person could make a better result out of a thing without putting it into focus and giving it priority and concentration. We cannot serve two masters at a time. Better to do it one at a time.
Saturday
Friday
Acceptance
Expectation is not good. Not too very good.
I was hoping to have a very good night to end for this day. I watched one of the latest movies this 2013 (Oz the Great and Powerful) and indeed it was a very good film. I was about to rest when I decided to pass a quote to everyone. And to inform somebody a news I thought he must know.
Tinext ko ang somebody na ito sa balitang namatayan ang isang kaklase namin noong high school. And I really lowered my pride to text him first (after 4 months? 5? 6?) And you know what? Nagreply ba naman sya ng 'tsk'?? Hello?!? Ganung reply sa isang nakakalungkot na balita? The nerve. At para sa kaalaman ng lahat, I think he and my dating kaklase (na obviously kaklase rin niya) were closed when we were in high school at para sa akin hindi karapat-dapat ang ganung reaksyon niya. =_=
There's another reason I texted him actually. It is because, behind my mind is a little hope that we'll have a conversation. After how many years of no communication. :DD
Pero masaklap ang nangyari. Nangamusta naman siya sa akin. At naisip ko, maganda iyong pangitain. Pero, what happened next? Puro 'haha' at 'hehe' lang ang aming usapan. I mean, after all those times? Pagkatapos kong ibaba ang aking pride sa pinakababang pwesto sa mundo (baka naabot ko na nga ang kaharian ni Hades) ay wala akong napala? I want to scream. And shout. And let it all loud. Pero Jk lang. D i pa naman ako ganun kaemosyonal. :) Medyo lang. :(
Sometimes, there comes the time when every word of a song hits to our heart like a bullet.
I listened to my favorite songs. And during that time, I feel so numb. Senseless. Insensitive. All emotions poured off to me and began pulling me out of the reality. It seemed so hurting that I almost want to just curled up in my bed; doing nothing, feeling nothing.
Ganyan ang naramdaman ko kasi ang taong tinext ko lang naman ay si Berto. (see my previous post for his story) :D Aminado ako. Masakit ang nangyari. (akala mo rin kung anong nangyari ba HAHA) Pero honestly speaking/blogging, my heart feels like it would shatter any time into medium pieces. Like it would disintegrate to.... wala na akong maidugtong pa.
There will always be a time to accept the truth you could never change.
Wala na nga siguro siyang pakialam sa akin. Wala na siyang natitirang emosyon pa upang bigyan niya ako ng kaonting panahon at saglit na oras man lang upang makipag-usap. Na kung anong meron kami noon (meron ba?) ay nalipad nalang ng hangin at dinala sa isang lugar ng nakaraan na walang sino man ang makakadala sa kasalukuyan at hinaharap. Siguro nga, ayaw na niya talaga sa akin. (choosy pa sya ha?) 'Yung tipong desidido na siyang burahin ako sa buhay niya. 'Yung tipong gagawin na lang nya akong isang parte na lamang ng buhay niya. At ganun na rin siguro ang dapat kong gawin.
Some decisions may be hurting, but if is good for you, do it.
Mahirap makalimot sa isang taong naging malaking parte sa buhay mo noon. At alam kong marami sa inyo ang hanggang ngayon ay hindi pa lubusang nakakalimot sa mga masasakit na alaala sa kanilang buhay. Oo. Mahirap at isang matagal na proseso ang pagmomove on. Lalo na't presko pa ang nangyari at sa tuwina'y naaala mo pa rin ang nakaraan. At ang medyo masakit na katotohanan, kahit ilang taon na ang nakaraan, hinding-hindi mo pa rin makakalimutan ang taong iyon. Kahit ilang centuries man ang magdaan ay andyan pa rin sa puso't isip mo ang mga karanasan ninyong dalawa.
Sabi nga nila, there's no thing such as forgetting. Just accepting. Naisip ko, oo nga noh? You'll never forget the feelings, the emotions, the memories, and the like. You'll never forget the fact that you're now required to drift apart and be away to each other. What you may do is to accept. To accept that all those feelings, emotions and memories will never be experienced again. Ang mga masasayang araw ninyo ay hindi mo na malalasap pa. Mga panahong gusto mong maulit pa. Siguro, iyon na rin ang dapat kong gawin. Nagawa na ata iyon ni Berto kaya ganun na ang pakikitungo niya sa akin. And maybe it's also the time for me to do it.
***
Masakit tanggapin ang mga bagay na ayaw mong mawala sa'yo. Pero kailangan eh. Nasa pagtanggap lang ang susi upang makamove on ka at makapaghanap ng kaligayahan mo sa buhay. Wag magpatali sa mga nakaraang alam mong wala na ring patutunguhan. Iwasang magpaalipin sa mga nakaraang alam mong wala nang saysay para gawing tambayan. Let go. Move on. Be happy.
Letting go doesn't mean giving up, but rather accepting that there are things that cannot be.
(photo by google.com)
(photo by google.com)
Distance
Isang malaking bahagi ng relasyon.
Sa distansya nagsimula ang lahat. Kung paanong nag krus ang inyong landas sa laki ng mundo. Kung paanong sa dinami-rami ng makakasabay mo sa jeep, sya pa. O sa dami ng pwede mong maging classmate, sya pa. At sa dami ng pwedeng makilala sa Facebook ,sya pa.
Sa distansya tumibay ang relasyon. Sa panahong magkalayo kayo at di mahawakan ang isa’t-isa. Sa mga pagkakataong gusto mong yakapin at halikan sya pero wala kang magawa. Tatambay ka sa profile nya sa fb, titigin mo yung blog nya habang pinapakinggan ang BGM at iniintay mong mag OL o magtext sya.
Sa distansya nagsimula ang problema. Sa mga panahong napapaisip ka kung dapat mo pa bang ipaglaban ang sa inyo. Kung makatarungan bang manghawak sa mga pangako ng isang taong milya-milya ang layo. At sa mga problemang maaayos sana kung magkalapit lang kayo.
At sa distansya nauwi ang lahat. Sa pagkakataong bumitaw na kayo parehas. Nagdesisyon na maghiwalay at magkanya-kanya na. Napagtantong hindi sapat ang pag-ibig lang sa isang relasyon.
Sa pagtatapos ay may magsisimula. Maaaring ibang tao, maaaring siya ulit. Maaaring bukas, maaaring sa takdang panahon. Isa lang ang sigurado, may nakatadhana sayo - sa inyo...
--> https://www.facebook.com/AkosiBobOngOfficial

Subscribe to:
Posts (Atom)