There is no law that prohibits people to raise their eyebrows unto "something."
May mga reaksyon tayong labag man sa ating kalooban ay dapat na sarilinin na lang. Gaya ng ating panonood, sa TV man o sa DVD Player or sa laptop o iba pang pwedeng gadgets/appliances kung saan pwede kang makanood ng pelikula. At ako mismo may reaksyon na alam kong dapat sa akin lang, pero naisip kong i-share na lang. :D
Sa pelikula, dapat always prepared yung bida. Especially kapag horror movie yung genre. Sa bawat intense moment, lalo na dun sa part na aatake na yong mumu. (Mumu? Watta term :D)
Sa scene na naliligo.
Kapag alam mo nang horror ang pinasok mong pelikula, wag kang basta-basta maligo sa dis oras ng gabi. There's a great chance kase na sa gabi talaga aatake ang mga villains of the story. Syempre, pag sa banyo ka, bold and naked ang labanan. Paano pag mumultuhin ka na? Wala kang laban kase nakahubad ka at pag nanlaban ka, kita sa camera ang makinis mong balat at mga pinakatago tago mong parte ng iyong katawan. Awkward diba?
Sa scene naman kapag natutulog.
Iwasang magdamit ng sobrang see-through o kaya naman kita-na-ang-singit na mga damit kapag oras na ng pamamahinga. May tagpo kasi talaga sa horror movie na susugod yung multo/aswang sa mga oras na yan. At pag ganun, syempre, habulan ang drama. At kung ganun ang choice of fashion mo kapag time to sleep na, sorry na lang. Pahirapan sa pagtakbo kasi minsan, mako-conscious ka na kapag bibilisan mo ang speed mo. Remember the cameras my dear. :D
Sa scene naman na para sa mga couples.
Mga ineng, isipin din minsan saang lupalop kayo ng mundo magmamake love. May mga lovers kasing kapag naramdaman na ang "feeling" na yon ay parang globe, go lang go. Wherever they are, whatever they do. At minsan sa hindi pa tamang oras. Kapag paiiralin ang ganyang istilo, aatake talaga ang mga minions of the story. May mga joiner kasi minsang mga multo. Yung tipong gustong gusto ang threesome :D Yung tipong pag nakaamoy ng mga ginagawa ng magsing-irog, ay tantyang tantya kung saan pupunta at saan pupuwesto. Mahirap ang ganun. Paano pag nasa kalagitnaan ng...alam nyo na, ay may magpapakita/manununggab/mananandyak/mang-iitak o anumang utos ng direktor dyan na gawin ng kalaban, paano na kayo? Paano na ang climax? :D
********
Alam kong mawawalan ng saysay ang meaning ng isang horror film kapag sinunod ninyo ang mga nasa itaas. Kung gayon, sa real life na lang natin i-apply. Katuwaan lang naman iyan. :))
Next time na siguro 'yung ibang genre :">
Ang mga statements sa itaas ay pawang obserbasyon lamang ng nagsulat. Ang mga bayolenteng reaksyon, mga tanong at iba pa ay maaring sabihin at ikomento. :)